BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Aral ni Herald Vergara

Ngayong araw ay sumabak kami sa isang matinding labanan. Alam namin kung gaano kahirap ang aming susuungin. Kami ay naghanda ng mga sandata, talino at lakas ng loob. Ngunit parang kulang pa din ito dahil umuwi kami na madaming sugat at pasa sa aming katawan. Mabuti na lang ay walang namatay. Ang pinakamalaking dagok sa amin ngayon ay ang mga agam-agam na nakikipaglaban pa rin sa aming mga isipan.

Kaninang umaga ay pinilit kong magising dahil isa ako sa mga lalaban sa digmaang ito. Sadyang mahirap bumangon sa kama dahil hindi maayos ang aking pakiramdam. Ako ay bumangon at bumaba na mula sa aking kwarto. Naghanap ako ng susuutin at naligo nako. Nagayos ako ng buhok at nagbihis na. Umalis na ko at pumunta sa kampo ng aming grupo. Naabutan ko silang naghahanda na para sa kanila ding sasabakang labanan. Makikibaka na kami ngunit meron akong napansin. Wala kaming masyadong sandata. Hindi ito sapat para manalo sa ngayon. Hindi ganitong uri at dami ng mga sandata ang dati ko nang nakita. Hindi din handa ang mga kawal na sasabak dito. Hindi sila sabay sabay. Kulang sa pageensayo. Kulang.
Sa kkabilang banda, ang aking laban naman na lalahukan ay isang madugong pakikipaglaban. Wala akong alam tungkol dito, kinakabahan ako. Para akong isang sisiw na lalaban, kalaban ang mga agila na siguradong noon pa namamayagpag sa ere. Mahirap man ngunit kailangan ko itong gawin. Ano ba ang mapapala ko dito? Pera? Papuri? o Kasikatan? na matagal ko nang hinahangad. Wala akong maisip. Pinapalakas ko ang aking loob. Matinding konsentrasyon ang aking ginawa. Nagmunimuni at nagisip ako ng sobrang lalim na kahit ako ay hindi ko na matalos. Nalunod ako sa aking pagiisip ngunit may salita akong narinig na siyang nagpagaan sa aking buong pakiramdam at katawan. Bigla akong bumalik sa katotohanan. Aalis siya, yun ang sabi niya. Naisip ko bigla na parang may mali. Ang kanyang laban ay kanyang uurungan? Para sa akin parang may mali talaga. Narinig ko na dati na siya ay sasama sa pakikibaka ng kanyang katipan ngunit hindi kayang magsakripisyo ng kanyang katipan para sa kanya? Mahirap man isipin pero oo ang sagot. Sa mundong ito pala ay may iba-ibang prioridad ang tao na higit sa kanyang sarili. Tama! Ngayon ko lang ito naisip at akin itong natutunan.
"Ang mga tao ay may iba't ibang prioridad. Hindi sa lahat ng panahon ay prioridad mo ang sarili mo. May mga taong inuuna ang iba kesa sarili ngunit ang ibang iyon ay hindi ka kayang bigyan importansya kung minsan."

Naisip ko din na hindi pala dapat ako nakikielam sa relasyon ng iba. Hayaan ko silang gawin ang kanilang gusto, gumawa ng masama, mabuti at hindi tama. Sinisigurado ko naman na malaki ang magiging balik ng mga ito sa kanila at sila ay matututo.

Kami na ay tumungo sa gaganapan ng digmaan. Marami silang armas. Lamang na lamang sila. Nakakatakot. Nakakalumbay. Ang lamang lang siguro namin sa kanila ay hindi lang armas ang aming dala bagkus katalinuhan na ibinigay sa amin ng Maykapal.

Sumabak kami sa labanan. May magagaling at meron din naman na hindi. Umasa kaming mananalo. Ngunit hindi sapat ang aming taglay na lakas para talunin sila.

Umuwi man kami ng luhaan nananatili pa rin ang mga tigre sa aming mga damdamin na hindi pa rin tapos ang laban. May susunod pa. Habang may buhay may pakikipaglaban. Habang natatalo ay may natutunang bagay.

Marami kaming natutunan at matututunan pa sa aming pakikibaka sa buhay. Ang hiling ko lamang ay sana lagi tayong patnubayan ng Diyos Ama sa pagharap sa mga ito.

0 comments: