Umaga ng Disyembre. Sa Ilog Pasig ay sumasalunga ang Bapor Tabo. Lulan nito sa kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, P. Irene, P. Salvi, Donya Victorina, Kap. Heneral at Simoun.
Napag-usapan ang pagpapalalim ng ilog Pasig. Mungkahi ni Don Custodio: mag-alaga ng itik. Ani Simoun namang kilalang tagapayo ng Kap. Heneral: Gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila. Nagkasagutan sila ni Don Custodio at
ng ilang pari. Ayaw ni Donya Victorina na matuloy ang pag-aalaga ng pato dahil darami ang balot na pinandidirihan niya.
0 comments:
Post a Comment