BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Walang Sugat (ikalawang bahagi)

III TAGPO

(Tenyong, Julia, at Juana mamaya’y Lukas)

Salitain

Juana: Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (Nagulat si Julia at si Tenyong)

(Lalabas si Lukas)

Lukas: Mamang Tenyong, Mamang Tenyong…!

Tenyong: Napaano ka, Lukas?

Lukas: Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria.

Tenyong: Diyata dinakip si Tatang?

Lukas: Opo.

Tenyong: Saan kaya dinala?

Lukas: Sa Bulakan daw po dadalhin.

Tenyong: Tiya, ako po’y paparoon muna’t susundan si Tatang.

Juana: Hintay ka sandali at kami’y sasama. Julia, magtapis ka… (Magsisipasok sina Juana, Julia, at Lukas).

Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang tinatamo ng dibdib, ay tinutunungan kapagdaka ng matinding dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay maitutulad sa bango ng bulaklak, na sa sandaling oras ay kusang lumilipas.

(Telong Maikli)

Kalye

IV TAGPO

(Musika)

Koro at Lukas

Lukas: Tayo na’t ating dalawin mga tagarito sa atin.

Koro: Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin.

Isang Babae: Naubos na ang lalaki.

Lahat ng Babae: Lahat na’y hinuhuli mga babae kami.

Lukas: Marami pang lalaki.

Lahat ng lalaki:Huwag malumbay… kami nasasa bahay at nakahandang tunay, laan sa lahat ng

bagay…

Lahat ng Babae:(Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming mga babae’y pabayaan, di naming kayo kailangan.

Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang.

Isang Lalaki: Kaka ko’y gayundin naman.

Isang Babae: Asawa’y paroroonan.

Isang Babae: Anak ko’y nang matingnan.

Lahat: Tayo na’t sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa kanila’y dalhin masarap na pagkain.

Mga Babae: Tayo na, tayo na.

Lahat: Sumakay na sa tren.

Mga Lalaki: Doon sa estasyon.

Lahat: Ating hihintuin. (Papasok lahat)

(Itataas ang telong maikli)

V TAGPO

(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mga rehas).

SALITAIN

Relihiyoso 1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; maraming tao ito…

Marcelo: Mason po yata, among?

Relihiyoso 1.0:Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka’t kung siya sumulat maraming K, cabayo K.

Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!

Relihiyoso 1.0:Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya.

Relihiyoso 2.0:Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng rasyon.

Marcelo: Hindi sila makakain eh!

Relihiyoso 1.0:Hindi man, ang rasyon na sinasabi ko sa iyo na dagdagan, ay ang pagkain, hindi, ano sa akin kundi sila kumain? Mabuti nga mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi ko sa iyo ay ang palo, maraming palo ang kailangan.

Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang magsidaing;

isang linggo na pong paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila!

Relihiyoso 2.0:Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala awa-awa, duro que duro awa-awa? Ilan kaban an rasyon? Ang rasyon nan palo, ha!

Marcelo: Dati po’y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan, ngayon po’y lima ng

kaban, at makalima po isang araw.

Relihiyoso 2.0: Samakatuwid ay limang beses 25, at makalimang 125, ay huston 526 (binibilang sa daliri). Kakaunti pa! (bibigyan si Marcelo ng kuwalta at tabako).

Marcelo: Salamat po, among!

Relihiyoso 1.0:Kahapon ilan ang namatay?

Marcelo: Wala po sana, datapwa’t nang mag-uumaga po ay pito lamang.

Relihiyoso 1.0:Bakit ganoon? (gulat)

Marcelo: Dahil po, si Kapitan Inggo ay pinagsaulan ng hininga.

Relihiyoso 1.0:Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita si Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi mamamatay si Kapitan Inggo.

Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at ang dalawang braso po’y litaw na ang mga buto, nagitgit sa pagkakagapos.

Relihiyoso 1.0:May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon?

Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban.

Relihiyoso 1.0:Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si Kapitan Inggo ay araw-araw papaluin at ibibilad at buhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha?

Marcelo: Opo, among.

(Sa mga kasama niya) Companeros, habeis traido el dinero para el Gobernador?

Relihiyoso 2,3,4:Si, si, hemos traido.

Relihiyoso 1.0:Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.

Marcelo: Hindi po makalakad, eh!

Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag.

Relihiyoso 2.0: Tonto.

Tadeo: Bakit ka mumurahin?

Juana: Kumusta po naman kayo, among?

P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap, noong araw kami ay walang inaasahan kundi kaunting sweldo dahil sa kami’y alipin ng mga prayle, ngayon nga, kung sa bagay ay kami na ang namamahala, wala naman kaming kinikita; wala nang pamisa, mga patay at hindi na dinadapit; ngayon napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawing pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.

Juana: Totoo po ba ang sabi mo.

P. Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga klerigo ay mauwi sa pagsasaka, tantuin niyong

kaming mga pari ay hindi mabubuhay sa panay na hangin.

Juana: Bakit dami mo pong mga pinakaing mga pamangking dalaga?

P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko.

Miguel: Ay! Aling Julia… ay…ma…ma… malapit na po…

Julia: Alin po ang malapit na?

Miguel: Ang…ang…ang…

Julia: (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Tadeo: Miguel, tayo na’t nagkayari na kami ng kaniyang ina.

Miguel: Ay…salamat (tuwang-tuwa.)

Julia: (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang?

Tadeo: Ano ba ang sinabi mo?

Miguel: Sinabi ko pong… ay Julia! Ay! Aling Julia! Ay, Julia ko!

Tadeo: Wala ka nang nasabi kundi pulos na “ay”? Hindi ka nagpahayag ng pagsinta mo?

Miguel: Sinabi ko pong malapit na…

Tadeo: Malapit na ang alin?

Miguel: Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, hindi ko po nasagutan…

Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na’t baka ka pa mahalata…

Relihiyoso 1.0: Kapitan Putin, mana dalaw, parito kayo.

(Magsisilabas ang mga dalaw).

VI TAGPO

(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong, at mga dalaw, babae at lalaki).

Salitain

Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita ma na ang tao mo, dadalhin dito, at sinabi ko

sa Alkalde na huwag nang paluin, huwag nang ibibilad at ipagbilin ko na bibigyan na ng mabuting tulugan…

Putin: Salamat po, among.

Relihiyoso 1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador at sasabihin naming pawalan, lahat ang mga bilanggo,kaawa-awa naman sila.

Putin: Opo, among, mano na nga po… Salamat po, among.

(Magsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga ibang lalaki).

Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador… a Manila, cogemeros el tren

la Estacion de Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal.

Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal.

Los 3: Si, si a fusilar, a fusilar.

(Papasok ang mga pare).

0 comments: